Tuesday, February 07, 2023

Ang Mabuting Balita para Pebrero 8, Miyerkules ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 7:14-23


Mabuting Balita: Marcos 7:14-23
Noong panahong iyon, muling pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat, at unawain ang aking sasabihin! Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang nagmumula sa kanya. Ang may pandinig ay makinig." 

Iniwan ni Jesus ang mga tao; at nang makapasok na sa bahay, siya'y tinanong ng kanyang mga alagad tungkol sa talinghaga. "Kayo man ba'y wala ring pang-unawa?" tugon ni Hesus. "Hindi ba ninyo alam na hindi nakapagpaparumi sa tao ang kinakain niya, sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi." Sa pagsasabi nito'y para nang ipinahayag ni Hesus na maaaring kanin ang lahat ng pagkain. 

Nagpatuloy siya sa pagsasalita: "Ang lumalabas mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos. Sapagkat sa loob-- sa puso ng tao-- nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya na makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, at gumawa ng lahat ng kabuktutan, tulad ng pagdaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang puri, kapalaluan, at kahangalan, Ang lahat ng ito'y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya."

No comments: