Sunday, February 5, 2023

Ang Mabuting Balita para Lunes Pebrero 6, San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga kasama, mga martir (Paggunita): Marcos 6:53-56


Mabuting Balita: Marcos 6:53-56
Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay tumawid ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay isinadsad nila ang bangka. Paglunsad nila, nakilala agad sila ng mga tao. Kaya't nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga may sakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Jesus, saanman nila mabalitaang naroon siya. 

At saanman siya dumating maging sa nayon, lunsod, o kabukiran ay dinadala sa liwasan ang mga may sakit at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling. 

No comments: