Noong
panahong iyon, Sinabi ni Jesus, "Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa
isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya
sa kanyang pang araw-araw na gawain, tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya
nalalaman kung paano. Ang lupa'y siyang nagpapasibol at nagpapabunga ng mga
pananim: usbong muna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga butil.
Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat ng anihin."
"Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyos?" sabi pa ni Jesus. "Anong talinghaga ang gagamitin natin upang ilarawan ito? Tulad ito ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Kapag natanim at lumago, ito'y nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay; nagkakasanga ito nang malalabay, anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito."
Ang Salita'y
ipinangaral ni Jesus sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghaga tulad
nito, ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa. Hindi siya nangaral sa kanila
nang hindi gumagamit ng talinghaga; ngunit ipinaliwanag niya nang sarilinan sa
kanyang mga alagad ang lahat ng bagay.
No comments:
Post a Comment