Noong
araw na iyon, habang nagtatakip-silim na, sinabi ni Hesus sa kanyang mga
alagad, "Tumawid tayo sa ibayo." Kaya't iniwan nila ang mga tao, at
sumakay sa bangkang kinalululanan ni Jesus upang itawid siya. May kasabay pa
silang ibang mga bangka. Dumating ang malakas na unos. Hinampas ng malalaking
alon ang bangka, anupa't halos mapuno ito ng tubig.
Si Jesus nama'y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka at natutulog. Ginising siya ng mga alagad, "Guro," anila, "di ba ninyo alintana? Lulubog na tayo!" Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, "Tigil!" At sinabi sa dagat, "Tumahimik ka!" Tumigil ang hangin at tumahimik ang dagat.
Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, "Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananampalataya?" Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa't isa, "Sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?"
No comments:
Post a Comment