Mabuting Balita: Mateo 4:12-23
“Ang lupain ng Zabulon at lupain ng
Neftali daanan sa gawing dagat sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil! Itong
bayang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman sa wakas ay nakakita ng maningning
niyang ilaw!
Liwanag na taglay nito’y siya ngayong
tumatanglaw sa lahat ng nalugami sa lilim ng kamatayan!” Magmula noon ay
nangaral na si Hesus. Ang sabi niya, Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga
kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.”
Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng
lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon na tinawag na
Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. Sinabi
niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong
mangingisda ng tao.”
Agad nilang iniwan ang kanilang mga
lambat at sumunod sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglakad at nakita naman niya
ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama
ng kanilang amang si Zebedeo at nagsusursi ng kanilang lambat.
Tinawag sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang kanilang ama, at nag-simulang sumunod sa kanya. Nilibot ni Hesus ang buong Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangangaral ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at karamdaman.
No comments:
Post a Comment