Tuesday, January 31, 2023

Ang Mabuting Balita para Pebrero 1, Miyerkules ng Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 6:1-6


Mabuting Balita: Marcos 6:1-6
Noong panahong iyon, si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga, nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, "Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? 

Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago,Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?" At siya'y ayaw nilang kilanlin. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propeta'y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay." 

Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya. At nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid upang magturo.

No comments: