Noong
panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo
kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang
sumasampalataya at magpabinyag ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay
parurusahan.
Ang mga
sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan
ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita sila ng mga demonyo at
magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng
lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”
No comments:
Post a Comment