Monday, January 23, 2023

Ang Mabuting Balita para Martes Enero 24, Sa Francisco de Sales, Obispo at pantas ng Simbahan (Paggunita): Marcos 3:31-35


Mabuting Balita: Marcos 3:31-35
Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.”  

“Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.” 

No comments: