Saturday, January 21, 2023

Ang Mabuting Balita para Enero 23, Lunes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 3:22-30


Mabuting Balita: Marcos 3:22-30
Noong panahong iyon, sinabi ng mga eskribang dumating mula sa Jerusalem, “Inaalihan siya ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo!” Kaya’t pinapalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinghaga: “Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas?” 

Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayun din naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas. 

“Walang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas at makaaagaw ng kanyang ari-arian, malibang gapusin muna niya ang taong iyon. Saka pa lamang niya malolooban ang bahay na iyon. 

“Tandaan ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.” Sinabi ito ni Hesus sapagkat ang sabi ng ilan, “Inaalihan siya ng masamang Espiritu.”

No comments: