Noong
panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili.
Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging
kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng
mga demonyo.
Ito ang
labindalawang hinirang niya: Si Simon na tinagurian niya ng Pedro, Si Santiago
at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig
sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni
Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang
nagkanulo sa kanya.
No comments:
Post a Comment