Wednesday, January 18, 2023

Ang Mabuting Balita para Enero 19, Huwebes ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 3:7-12


Mabuting Balita: Marcos 3:7-12
Noong panahong iyos, umalis si Jesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya ng maraming tao buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang napakaraming tao mula sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Jesus.  

Nagpahanda si Jesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Marami na siyang pinagaling, kaya't pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila. Bawat inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" At mahigpit silang pinagbawalan ni Jesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya.

No comments: