Noong
panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa:
“Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya,
sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling
ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin:
“Huwag mong sasabihin ito kaninuman.
Sa halip ay
pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises,
upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at
bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si
Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon
pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.
No comments:
Post a Comment