Tuesday, December 27, 2022

Ang Mabuting Balita para Miyerkules Disyembre 28 Mga Banal na Sanggol na walang Kamalayan, mga martir (Kapistahan): Mateo 2:13-18


Mabuting Balita: Mateo 2:13-18
Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, "Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hndi ko sinasabi sa iyo. Sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin." Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo'y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang mamatay si Herodes. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, "Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto." 

Galit na galit si Herodes nang malamang siya'y napaglalangan ng mga Pantas. Kaya't ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook-- lahat na may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa paglitaw ng tala na natiyak niyang sa mga Pantas.  

Sa gayo'y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: "Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila."

No comments: