Monday, December 5, 2022

Ang Mabuting Balita para Miyerkules Disyembre 7 San Ambrosio, Obispo at pantas ng Iglesya (Paggunita): Mateo 11:28-30


Mabuting Balita: Mateo 11:28-30
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at; nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. 

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo." 

No comments: