Nang
unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena,
madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay
Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa
libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro
at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si
Pedro’y naunahan ng kasamang alagad.
Yumuko
ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit
hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong
pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot
sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa
isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at
siya’y naniwala.
No comments:
Post a Comment