Noong panahong iyon: nagmamadali silang lumakad patungong Betlehem
at nakita nila sina Maria at Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
Kaya't isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at
nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.
Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang
pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag
ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa
ibinalita sa kanila ng anghel.
Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang
Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
No comments:
Post a Comment