Saturday, December 31, 2022

Ang Mabuting Balita para Linggo Enero 1, Dakilang Kapistahan ni Maria Ina ng Diyos: Lucas 2:16-21



Mabuting Balita: Lucas 2:16-21 
Noong panahong iyon: nagmamadali silang lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya't isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.

Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

No comments: