Monday, December 5, 2022

Ang Mabuting Balita para Disyembre 6 Martes sa Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon: Mateo 18:12-14


Mabuting Balita: Mateo 18:12-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may isang daang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? 

Sinasabi ko sa inyo; kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayon din naman, hindi kaloob ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito."

No comments: