Wednesday, December 14, 2022

Ang Mabuting Balita para Disyembre 16 Biyernes sa Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (Simula ng Simbang Gabi): Juan 5:33-36


Mabuting Balita: Juan 5:33-36
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. 

Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”  

No comments: