Thursday, December 8, 2022

Ang Mabuting Balita para Disyembre 10 Sabado sa Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon: Mateo 17:10-13


Mabuting Balita: Mateo 17:10-13
Habang bumababa sila sa bundok, tinanong si Hesus ng mga alagad, "Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?" Sumagot siya, “Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, ngunit hindi siya nakilala ng mga tao. 

At kanilang ginawa sa kanya ang gusto nila. Gayon din naman, pahihirapan nila ang Anak ng Tao." At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy niya.

No comments: