Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.” Pagkamatay ni Herodes, isang anghel ng Panginoon ang napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto. “Magbangon ka,” sabi sa kanya, “iuwi mo na sa Israel ang mag-ina, sapagkat patay na ang nagtangka sa buhay ng bata.” Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel ang mag-ina.
Ngunit nang
mabalitaan niyang si Arquelao ang naghahari sa Judea, kahalili ng kanyang amang
si Herodes, siya’y natakot na pumunta roon. Muli siyang sinabihan sa panaginip,
kaya’t nagtungo siya sa Galilea. Sa Nazaret sila nanirahan upang matupad ang
sinabi ng mga propeta, “Siya’y tatawaging Nazareno.”
No comments:
Post a Comment