Noong
panahong iyon, nang malapit na siya sa Jerusalem at matanaw niya ang lunsod,
ito'y kanyang tinangisan. Sinabi niya, "Kung nalalaman mo lamang sa araw
na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito
ngayon sa iyong paningin.
Sapagkat
darating ang araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at
gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa
loob ng iyong muog. At ni isang bato'y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa
bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka."
No comments:
Post a Comment