Noong
panahong iyon, pag-alis ni Hesus sa lugar na iyon, sinundan-sundan siya ng
dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila na ang wika, “Anak ni David, mahabag
kayo sa amin!” Pagpasok ni Hesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag.
Tinanong sila ni Hesus, “Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?” “Opo,
Panginoon,” sagot nila.
At
hinipo niya ang kanilang mga mata, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa
inyong paniniwala.” At hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari
sa inyo ang ayon sa inyong paniniwala.” At nakakita na sila. Mahigpit na
ipinagbilin sa kanila ni Hesus na huwag sasabihin ito kaninuman. Ngunit nang
sila’y makaalis, ibinalita nila sa buong lupaing yaon ang ginawa sa kanila ni
Hesus.
No comments:
Post a Comment