Monday, November 7, 2022

Ang Mabuting Balita para Nobyembre 8 Martes sa Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 17:7-10


Mabuting Balita: Lucas 17:7-10
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, "Ipalagay nating kayo'y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain.  

Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.'"

No comments: