Friday, November 04, 2022

Ang Mabuting Balita para Nobyembre 5 Sabado sa Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 16:9-15


Mabuting Balita: Lucas 16:9-15
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Kaya't sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito'y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa maliit na bagay. 

Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? "Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. 

Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan." Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Jesus, sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya't sinabi niya sa kanila, "Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos."

No comments: