Tuesday, November 22, 2022

Ang Mabuting Balita para Nobyembre 25 Biyernes sa Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 21:29-33


Mabuting Balita: Lucas 21:29-33
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 

Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko’y hindi magkakabula”  

No comments: