Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?” Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.”
At sinabi pa
niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa
kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa
iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas
na tanda buhat sa Langit.”
No comments:
Post a Comment