Nawika ng katiwala sa sarili, 'Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.'
Isa-isa
niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang
una. 'Gaano ang utang mo sa aking panginoon?' Sumagot ito, 'Sandaang tapayang
langis po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't gawin
mong limampu.' sabi ng katiwala.
At tinanong naman niya ang isa, 'Ikaw gaano ang utang mo?'
Sumagot
ito, 'Sandaang kabang trigo po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,'
wika niya. 'Isulat mo, walumpo.' Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala
dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos."
No comments:
Post a Comment