Wednesday, November 16, 2022

Ang Mabuting Balita Nobyembre 18 Biyernes sa Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 19:45-48


Mabuting Balita: Lucas 19:45-48
Noong panahong iyon, pumasok si Jesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, "Nasusulat: 'Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.' Ngunit ginawa ninyong 'pugad ng mga magnanakaw'." 

Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan na siya'y ipapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.

No comments: