Wednesday, October 19, 2022

#mabutingbalita Ang Mabuting Balita para Oktubre 20 Huwebes sa Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:49-53


Mabuting Balita: Lucas 12:49-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? 

Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, Ang ina at ang anak na babae, At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”

No comments: