Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Sinasabi ko sa
inyo, ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din
naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa
akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng
Diyos.
"Ang
sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa
Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. "Kapag kayo'y dinala nila sa
sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang
litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung
ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu ang magtuturo
sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin."
No comments:
Post a Comment