Mabuting Balita: Lucas 18:9-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa mga
taong ang tingin sa sarili'y matuwid at humahamak naman sa iba. "May
dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa'y Pariseo at ang
isa nama'y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito:
'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba -- mga
magnanakaw, mga mandaraya, mga mangangalunya -- o kaya'y katulad ng publikanong
ito.
Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita. Samantala, ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!' Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito'y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."
No comments:
Post a Comment