Sunday, October 23, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Oktubre 23, Ika - 30 na Linggo sa Karaniwang Panahon : Lucas 18:9-14



Mabuting Balita: Lucas 18:9-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili'y matuwid at humahamak naman sa iba. "May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa'y Pariseo at ang isa nama'y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba -- mga magnanakaw, mga mandaraya, mga mangangalunya -- o kaya'y katulad ng publikanong ito.

Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita. Samantala, ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!' Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito'y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."

No comments: