Tuesday, October 4, 2022

Ang Mabuting Balita para Oktubre 5, Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 11:1-4


Mabuting Balita: Lucas 11:1-4
Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.”  

Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Magsimula na sana ang iyong paghahari. Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”

No comments: