Sunday, October 30, 2022

Ang Mabuting Balita para Oktubre 31 Lunes sa Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 14:12-14


Mabuting Balita: Lucas 14:12-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka na.  

Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos na muling pagkabuhay ng mga banal.”

No comments: