Monday, October 24, 2022

Ang Mabuting Balita para Oktubre 25 Martes sa Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 13:18-21


Mabuting Balita: Lucas 13:18-21
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus, "Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito? Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito." 

Sinabi pa ni Jesus, "Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupa't umalsa ang buong masa." 

No comments: