Dahil rito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, 'Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba'y papatayin nila at uusigin ang iba.' Sa gayo'y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo.
Sinasabi ko
sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa. "Kawawa
kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan.
Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais
pumasok." At umalis si Jesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na
siya ng mga eskriba at mga Pariseo at pinagtatanong tungkol sa maraming bagay,
upang masilo siya sa kanyang pananalita.
No comments:
Post a Comment