Noong
panahong iyon, pagkatapos magsalita ni Hesus, siya’y inanyayahan ng isang
Pariseo upang kumain, kaya’t pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag,
nagtaka ang Pariseo nang makita niyang kumain si Hesus nang hindi muna naghugas
ng kamay. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo
ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punong-puno ng
kasakiman at kasamaan.
Mga
hangal! Hindi ba’t ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob?
Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at
magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.”
No comments:
Post a Comment