Itinanong ni Pedro, "Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?" Tumugon ang Panginoon, "Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon pagbabalik ng kanyang panginoon.
Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking ppanginoon,' at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat.
"At ang
aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit hindi naghanda ni
sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa. Ngunit ang aliping
hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na
nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang na parusa. Ang binigyan ng
maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong
maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay."
No comments:
Post a Comment