Monday, October 3, 2022

Ang Mabuting Balita para Martes Oktubre 4, San Francisco de Asis (Paggunita): Lucas 10:38-42


Mabuting Balita: Lucas 10:38-42
Noong panahong iyon. pumasok si Jesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito'y may isang kapatid na Maria ang pangalan. 

Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at ang wika, "Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako." Ngunit sinagot siya ng Panginoon, "Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito'y hindi aalisin sa kanya."

No comments: