Wednesday, October 26, 2022

Ang Mabuting Balita para Biyernes Oktubre 28 San Simon at San Judas Tadeo mga apostol (Kapistahan): Lucas 6:12-16


Mabuting Balita: Lucas 6:12-16
Noong mga araw na iyon, umahon si Jesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil. 

Bumaba si Jesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad. At ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang karamdaman. Pinagaling rin niya ang mga pinahihirapan ng masamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

No comments: