Thursday, October 20, 2022

Ang Mabuting Balita para Oktubre 21 Biyernes sa Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:54-59


Mabuting Balita: Lucas 12:54-59
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao, "Kapag nakita ninyong Makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayon nga ang nangyayari. At kung umiihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa't sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?  

"Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo."

No comments: