Friday, October 14, 2022

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Linggo Oktubre 16, Ika - 29 na Linggo sa Karaniwang Panahon : Lucas 18:1-8




Mabuting Balita: Lucas 18:1-8

Noong panahong iyon, isinaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.

"Sa isang lunsod," wika niya, "may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lunsod ding yaon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. 

Ngunit ng malaunan ay nasabi nito sa sarili: 'Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala-- baka pa ako mainis sa kapaparito niya.'" 

At sinabi ng Panginoon, "Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagama't tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?"

+ + + + + + +

Repleksyon:

May kasama bang pag titiyaga ang iyong pananalagin? Ang ibig sabihin ay hindi ka nawawalan ng pag-asa hangang ang iyong mga panalangin ay iyong makamit. Sa atin pong mabuting balita tayo ay tinuturuan ni Jesus na manalagin ng may pag titiyaga. 

Dahil pag ang tao ay matiyaga sa kanyang pananalagin ang imposible na makamit natin ay nagiging posible dahil walang imposible sa Panginoon. 

Sa atin pong mabuting balita ay may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lunsod ding yaon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. 

Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Pero sa kalaunan ay iginawad din ng hukom ang hiling ng babaeng balo dahil siya ay nag tiyaga sa pag hingi ng katarungan sa hukom. 

Kung tayo po ang nasa kalagayan ng babaeng balo at alam din natin na masama ang ugali ng hukom. Tayo po ba ay  mag titiyaga pa din sa pag hingi ng katarungan sa hukom? 

Pag tayo po ay may gustong hilingin sa ating Panginoon kailagan po na tayo ay matiyaga na mananalagin sa kanya na ibigay ang mga panalagin natin. Hindi na bali kung magtagal bago nya ito ibigay sa atin basta ang importante ay tayo ay mag tiyaga. 

Dahil sa anumang larangan ng buhay ang lahat  ng nag titiyaga ay nakakamit ang gusto nya  at ito po ay pinatutunayan ng matiyagang babaeng balo sa ating mabuting balita. 

Matiyaga ka pa rin bang nananalagin kahit hindi ka sinasagot ng Panginoon?  – Marino J. Dasmarinas   

No comments: