Noong
panahong iyon, nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang
pinakadakila. Batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t tinawag niya ang
isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya. At sinabi niya sa kanila, “Ang
sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin;
at sinumang tumatanggap sa akin at tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang pinakaaba
sa inyong lahat ay siyang pinakadakila.”
Sinabi ni Juan, “Guro, nakita po namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ninyo. Pinagbawalan namin siya sapagkat siya’y hindi natin kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan; sapagkat ang hindi laban sa atin ay kapanig natin.”
No comments:
Post a Comment