Noong
panahong iyon, samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni
Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo itong sasabihin ko:
ipagkakanulo ang Anak ng Tao.” Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat
inilingid ito sa kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano
ang ibig sabihin niyon.
No comments:
Post a Comment