Sunday, September 18, 2022

Ang Mabuting Balita para Setyembre 19, Lunes ng Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 8:16-18


Mabuting Balita: Lucas 8:16-18
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag.  

Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niya nasa kanya.”

 

No comments: