Nang makita nila si Hesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya’y karapat-dapat na pagbigyan ninyo sapagkat mahal niya ang ating bansa,” wika nila. ”Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.” Kaya’t sumama sa kanila si Hesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan. Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo.
Ngunit
magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin. Sapagkat ako’y isang
taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po akong
mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba,
‘Halika! siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ito’y ginagawa
niya.” Namangha si Hesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong
sumusunod sa kanya. Sinabi niya, “Kahit sa Israel ay hindi ako nakakita ng
ganito kalaking pananalig.” Pagbabalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na
magaling na ang alipin.
No comments:
Post a Comment