Thursday, September 29, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Oktubre 2, Ika - 27 na Linggo sa Karaniwang Panahon : Lucas 17:5-10



Mabuting Balita: Lucas 17:5-10
Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, "Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!" Tumugon ang Panginoon, "Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat!' at tatalima ito sa inyo."

"Ipalagay nating kayo'y mga aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, 'Halika at nang makakain ka na'? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: 'Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako'y kumakain.

Kumain ka pagkakain ko.' Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.

No comments: