Tuesday, September 27, 2022

Ang Mabuting Balita para Huwebes Setyembre 29, San Miguel, San Gabriel at San Rafael, mga arkanghel (Kapistahan): Juan 1:47-51


Mabuting Balita: Juan 1:47-51
Noong panahong iyon, nang makita ni Jesus si Natanael, ay kanyang sinabi, "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos,"  

"Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Natanael. Sinabi ni Jesus, "Nananampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!"

No comments: