Tuesday, September 13, 2022

Ang Mabuting Balita para Huwebes Setyembre 15, Ang Mahal na Birheng Nagdadalamhati (Paggunita): Juan19:25-27


Mabuting Balita: Juan 19:25-27
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Ginang, narito ang iyong anak!" At sinabi sa alagad, "Narito ang iyong ina!" Mula noon, siya'y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

No comments: